Pagbabayad ng buwis ng maliliit na negosyante, dapat gawing simple

By Chona Yu November 24, 2015 - 04:20 PM

sonny-angaraHinikayat ni Senador Sonny Angara ang pamahalaan na gawing simple ang pagbabayad ng buwis ng mga maliliit at nagsisimulang negosyo o micro, small and medium enterprises sa bansa.

Ayon kay Angara, Chairman ng Senate Committee on Ways and Means, ito ay kung talagang sinsero ang pamahalaan na tumalima sa panawagan ng mga economic leaders na kasapi ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit.

Sa ganitong paraan, sinabi ni Angara na matutulungan ng pamahalaan ang mga maliliiit na negosyante na makapasok sa pandaigdigang merkado.

Dagdag ni Angara, kung mayroon aniyang inilaan na APEC lane o special treatment ang pamahalaan sa mga delegado, dapat bigyan din nito ng espesyal na atensyon ang mga maliliiit na negosyante.

Base sa pinakahuling pag aaral ng World Bank, sinabi ni Angara na bumagsak sa ika-126 na puwesto ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaayos na proseso ng pagbabayad ng buwis para sa mga medium sized firm.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.