WATCH: Mga pasahero hinarana at isinayaw ng mga pulis sa MRT-Cubao

By Jong Manlapaz February 14, 2019 - 10:24 AM

Radyo Inquirer Photo | Jong Manlapaz

Pinatunayan ng mga tauhan ng Quezon City Police District – Cubao Station na hindi lang pagbabantay sa seguridad at paghuli sa mga kriminal sila maaasahan.

Dahil ngayong Valentine’s Day, ipinamalas ng mga pulis ang kanilang galing sa pagkanta at pagsayaw para aliwin ang mga pasahero sa MRT-3 Cubao Station.

Hinarana at isinayaw ng mga pulis mula sa QCPD station 7 ang mga pasahero.

Game namang nakisayaw ang ilang pasahero at ang iba nakikanta pa.

Ayon kay Insp. Nolasco Sangangbayon ang programa ay layong mas mapalapit pa sa komunidad ang mga alagad ng batas.

Maliban sa awitin, inalayan din ng bulaklak ang mga pasahero.

TAGS: Cubao station, mrt-3, PNP QCPD, valentine's day, Cubao station, mrt-3, PNP QCPD, valentine's day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.