Mga gumagamit sa pangalan ni Pangulong Duterte sa illegal campaign solicitation binalaan ng Malakanyang
Nakarating na sa kaalaman ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginagamit ang kanyang pangalan para mag-solicit o manghingi ng pera bilang kontrobusyon para sa kanyang mga kandidatong senador sa May 2019 elections.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang sinuman na indibidwal o grupo ang binigyan ng otorisasyon ng pangulo na manghingi ng pera kahit ang mga government agencies gaya ng Bureau of Ccustoms (BOC).
Giit ni Panelo, taliwas sa adbokasiya ng pangulo ang panghihingi ng pera.
Payo ni Panelo sa publiko, agad na magsumbong sa National Bureau of Investigation (NBI) o sa iba pang law enforcement agency kapag nabiktima ng illegal campaign soliciation.
Hindi aniya sasantuhin ng Palasyo ang sinumang sangkot sa ilegal na aktibidad kahit na sino pa man o ano man ang kanyang estado sa buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.