LOOK: Mga nakakaaliw na kahulugan ng dress code ngayong Valentine’s Day
Kani-kaniyang gimik sa pagpapatupad ng dress code ang mga lokal na pamahalaan ngayong araw ng mga puso.
Sa bisa ng memorandum order, nagpalabas ng kautusan ang iba’t ibang lokal na pamahalaan para hikayatin ang mga opisyal at tauhan ng munisipyo o city hall na magsuot ng kulay ng damit na depende sa status ng kanilang buhay pag-ibig.
Sa San Mateo, Rizal, sinamahan ng nakaaaliw na kahulugan ang bawat kulay sa ipinatupad na dress code ngayong araw.
RED – Taken and in-love (tapat sa asawa / bf/ gf)
BLUE – Single and contented (alak lang ang kasama)
GREEN – Hard to move on (tigas ng ulo, go na nga!)
BROWN – in secret intimacy with someone (mabubuko rin yan)
GRAY- Perplexed with love (tuliro di malaman ang gagawin)
VIOLET – It’s complicated (walang bait sa sarili)
YELLOW – Waiting since birth (naghihintay sa ilalim ng dilaw na buwan)
ORANGE – Taken for granted (umaasa pero pinaasa)
BLACK – Broken-hearted (luksang luksa ang loka)
UNIFORM – kill joy na bitter (Miss Minchin ang datingan)
Ang Cagayan De Oro City government at Naujan, Oriental Mindoro may hiwalay din na bersyon ng kanilang dress code ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.