Tatlong miyembro ng BIFF patay sa engkwentro sa Maguindanao
Nasawi ang tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa pina-igting na operasyon ng militar sa pagtugis sa mga terorista sa Maguindanao.
Ayon sa ulat ng 601st Brigade, habang nagsasagawa ng patrolya ang mga tauhan ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Sitio Kanam, Barangay Tugal, Sultan Sabarongis ay nakasagupa nila ang mga miyembro ng BIFF.
Nabatid na ang mga naka-engkwentrong grupo ay pawang tagasunod ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife.
Tumagal ng halos kalahating oras ang bakbakan na nagresulta pa sa paglikas ng ilang sibilyan dahil sa takot na maipit sa putukan.
Nang gumamit na ng 81 at 60 mm mortar ang mga sundalo ay umatras na ang mga rebelde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.