6 arestado sa operasyon kontra ilegal na droga sa QC; panty at damit ginagamit pambayad kapalit ng shabu

Contributed Photo
Nadakip ang anim na katao sa ikinasang magkahiwalay na operasyon kontral ilegal na droga sa Quezon City.

Sa isang fast-food chain sa Novaliches, tatlong lalaki at isang babae ang naaresto ng mga tauhan ng station 4 ng Quezon City Police District (QCPD).

Target ng operasyon ang isang alyas Alon na matapos madakip ay umaming sangkot sa pagbebenta ng shabu dahil dalawang taon na umano siyang walang trabaho.

Nakuha sa apat ang tinatayang P346,000 na halaga ng ilegal na droga.

Kung walang pambayad ang kliyente, sinabi ni Alon na tumatanggap din siya ng damit at cellphone kapalit ng shabu.

Samantala, sa Pasong Tamo, nadakip naman ang mag-ina makaraang salakayin ang kanilang tinitirahan na ginagamit bilang drug den.

Nakita pa sa cellphone ni alyas Marie ang conversation nito sa isang kliyente na nag-aalok ng 5 bagong panty kapalit ng isang sachet ng shabu.

Ayon kay Marie, mga dealer ng underwear at cosmetic products ang ilan niyang parokyano.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa anim.

Read more...