PAGASA: Walang sama ng panahon sa susunod na 2-3 araw

By Rhommel Balasbas February 14, 2019 - 05:15 AM

Walang sama ng panahon na makaaapekto sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, hanging Amihan pa rin ang weather system na umiiral sa kasalukuyan.

Ngayong araw dahil sa Amihan, mararanasan ang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Bicol Region, Romblon, Oriental Mindoro, Eastern at Central Visayas.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao ay generally fair weather ang mararanasan maliban sa pulo-pulong mahihinang pag-ulan.

Wala namang nakataas na gale warning saanmang baybaying dagat ng bansa kaya’t ligtas na makapaglalayag ang mga mangingisda.

TAGS: 4am weather update, amihan, Northeast monsoon, PAGASA DOST, 4am weather update, amihan, Northeast monsoon, PAGASA DOST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.