Dalawang katao ang nasawi sa salpukan ng van at trak sa Mariveles, Bataan Miyerkules ng madaling araw.
Dead on the spot ang driver ng van na si Norman Villarta habang wala pang pagka-kilanlan sa kasama nito.
Lumabas sa imbestigasyon na nagbanggaan ang van at trak sa Barangay Lucanin.
Galing ang van sa Barangay Alas-asin sa Mariveles at biyaheng Maynila.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng trak at nahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.