Nasawi ang hindi bababa sa 27 katao habang sugatan naman ang 13 iba pa sa naganap na pambobomba sa isang bus sa Zahedan, Iran.
Isang suicide car bomber ang umatake ang bus na lulan ang mga miyembro ng Revolutionary Guard paramilitary force ng Iran.
Inako ng militanteng Sunni Muslim group na Jaish al-Adl ang insidente.
Ayon kay Foreign Minister Mohammad Javad Zarif, ang suicide bombing na ito ay may kaugnayan sa umaarangkadang conference sa Warsaw na pinangungunahan ng Estados Unidos.
Ang grupong Jaish al-Adl ay dati nang nagsagawa ng mga pag-atake laban sa mga security personnel sa Sistan-Baluchestan.
Nooong Oktubre ay dinakip din ng grupo ang hindi bababa sa 10 na security personnel sa border post sa Mirjaveh.
Ang pinakabagong pag-atake sa Zahedan ay ang sinasabing ‘deadliest’ simula noong September 2018.