263 pamilyang biktima ng Yolanda, may bagong bahay sa Pope Francis Village

By Rhommel Balasbas February 14, 2019 - 04:13 AM

Credit: Edwin Gariguez / Caritas Philippines

Nasa 263 pamilyang nasalanta ng supertyphoon Yolanda noong 2013 ang unang nakatanggap ng bago at permanenteng housing units sa Pope Francis Village sa Leyte.

Sa pagsusumikap ng mga organisasyon ng Simbahang Katolika sa Pilipinas at sa abroad tulad ng Caritas Canada, Canadian Catholic for Development and Peace, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action, Archdiocese of Palo, Congregation of the Most Holy Redeemer, Urban Poor Associates at ilang mga ahensya ng gobyerno ay nabuo ang Pope Francis Village.

Ito ang kauna-unahang in-city relocation sa Leyte na tinatayang pitong kilometro lamang ang layo sa business district ng Tacloban at accessible sa pampublikong transportasyon.

Sa inagurasyon at pamamahagi ng housing units, sinabi ni Bishop Noel Simard ng Canada na sa kabila ng mga hirap sa pagtatayo ng Pope Francis Village ay nagagalak sila na masaya ang mga pamilya sa kanilang mga bagong tahanan.

Tiniyak naman ni Caritas Philippines Executive Secretary Fr. Edwin Gariguez na mananatili ang commitment ng Simbahang Katolika sa pagtulong sa mga biktima ng Yolanda.

Giit ng pari, hindi susuko ang Simbahan para sa kanyang kawan.

Ang P187.8 milyong pisong proyekto ay may kabuuang 566 housing units, anim na multipurpose classroom, chapel, palengke at waste water treatment and material recovery facilities.

Inaasahang makukumpleto ito sa June 2019.

Noong Nobyembre pa lang ay nakapagbigay na ang Simbahang Katolika sa pamamagitan ng Caritas Philippines ng 30,000 bahay sa mga Yolanda survivors sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

TAGS: Caritas Philippines, government housing, Pabahay, Pope Francis Village, yolanda, Caritas Philippines, government housing, Pabahay, Pope Francis Village, yolanda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.