Mayor Baldo, balik-trabaho matapos magpiyansa

By Len Montaño February 14, 2019 - 04:06 AM

Balik-trabaho na si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo matapos magpiyansa at pansamantalang makalaya sa kasong kaugnay ng pagpatay kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe.

Noong Martes ay naglagak si Baldo ng piyansang P3 milyon at araw ng Miyerkules ay naglabas ang korte ng release order para sa Alkalde na nakulong sa Legazpi City Police Station.

Hinarap ng Baldo ang mga empleyado at taga-suporta sa Daraga Municipal Hall.

Mainit ang pagtanggap ng mga kaibigan at supporters sa opisyal na anila ay inosente sa krimen at hindi pa pinal na nahatulan ng korte.

Una nang sinabi ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group na iginagalang nila ang pagpayag ng korte na magpiyansa si Baldo pero tuloy pa rin umano ang kaso laban dito.

TAGS: Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, Albay, balik-trabaho, Daraga, magpiyansa, Mayor Carlwyn Baldo, pansamantalang laya, Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, Albay, balik-trabaho, Daraga, magpiyansa, Mayor Carlwyn Baldo, pansamantalang laya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.