SWS: 51% ng mga Pilipino, masaya sa kanilang lovelife

By Len Montaño February 14, 2019 - 03:14 AM

Kasabay ng Araw ng mga Puso ngayong araw, naglabas ang Social Weather Stations (SWS) ng resulta ng survey ukol sa pananaw ng mga Pilipino sa kanilang buhay pag-ibig.

Sa SWS survey na ginawa mula December 16 hanggang 18, 2018, kalahati o 51 percent ng mga Pinoy ang nagsabi na masaya sila sa kanilang love life.

Nasa 36 percent ang nagsabi na pwede silang sumaya habang 13 percent ang nagsabi na hindi sila masaya sa kanilang love life.

Ang resulta ay mas mababa sa 2017 SWS survey kung saan naitala na 57 percent ng mga Pinoy ang masaya sa kanilang buhay pag-ibig, 29 percent ang pwedeng sumaya at 14 percent ang malungkot sa kanilang love life.

Samantala, lumabas din sa survey na mas marami ang single na babae kaysa single na lalaki na walang love life o 59 percent kumpara sa 43 percent.

Habang ang mga indibidwal na 25 anyos pataas ang mas masaya sa kanilang buhay pag-ibig.

TAGS: 'single', Araw ng mga Puso, buhay pag-ibig, love life, sws survey, 'single', Araw ng mga Puso, buhay pag-ibig, love life, sws survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.