Comelec: Mga artista pwedeng mangampanya online para sa mga kandidato
Maaaring mangampanya ang mga artista para sa mga kandidato sa social media ng walang limitasyon basta’t gagawin ito ng libre ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sa Kapihan forum sa Maynila, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na ang gastos lamang sa production ng campaign ads at ang promotion para rito ang kasama sa charge sa spending limit.
Ang promotion na tinutukoy ay ang pagbabayad para sa over-reaching o ang pag-boost sa mga post para maging visible ito sa mas maraming tao.
Giit ni Jimenez, walang paglabag kung ang isang artista ay nangampanya para sa kandidato sa social media dahil karapatan ito ng kahit sino.
Ang tanging isyu lamang anya ay kung magkano ang ginastos ng isang kandidato sa promotion ng post na dapat i-ulat ng mga celebrity endorsers alinsunod sa Fair Election Act.
Aminado naman si Jimenez na mahihirapan ang Comelec na malaman kung ang celebrity endorser ay nabayaran o hindi sa pangangampanya sa pamamagitan ng social media.
Kung hindi anya ire-regulate ang pangangampanya sa social media ay wala ring saysay ang itinatakdang spending limit.
Sa ilalim ng election laws, ang kandidato sa pagka-Senador ay dapat lamang gumastos ng P10 kada botante; ang kandidato ng party-list ay P3 kada botante; at ang political parties ay P5 per voter lamang para sa mga kandidato sa national posts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.