P.5M halaga ng armas, nasabat sa bodega sa Pasay
Nasabat ng Bureau of Customs – NAIA ang tinatayang nasa kalahating milyong pisong halaga ng armas sa isang warehouse sa Pasay City, araw ng Miyerkules.
Ayon sa BOC, nakatakda sanang dalhin sa Taiwan ang mga armas na idineklarang Solar Panel at Tool Cart.
Nadiskubre ang 8 pistol firearms, 20 ammunition magazines at 266 live ammunitions dahil sa profiling skills ng BOC-NAIA at X-ray examination sa shipment.
Ang exportation ng firearms at ammunitions sa pamamagitan ng misdeclaration at kawalan ng permit ay paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Nakikipag-ugnayan na ngayon ang mga awtoridad sa DHL Cargo Company para malaman ang pagkakilanlan ng may-ari ng naharang na shipment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.