Pagbasura sa quo warranto petition kontra Duterte, welcome sa Palasyo

Welcome sa Malakanyang ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang quo warranto petition laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang petisyon ay inihain ni Atty. Elly Pamatong noong June 2018.

Ibinasura ito ng Supreme Court dahil lampas na ito sa one-year prescription period para sa paghahain ng quo warranto petition at walang legal standing si Pamatong na maghain ng petisyon.

“We have treated such petition at the outset as without basis in fact and in law. The Supreme Court has validated our view on the matter,” pahayag ni presidential spokesperson Salvador Panelo.

Dagdag ni Panelo, tanging ang Solicitor General ang pwedeng maghain ng petition for quo warranto para patalsikin ang indibidwal na umanoy iligal na nasa posisyon.

Hindi rin anya maituturing si Pamatong na may karapatan sa pwesto ng Pangulo maski bilang lehitimong kandidato noong 2016 elections.

Naniniwala rin ang Palasyo na ang layon ng prescription period ay para magkaroon ng kapayapaan ang nakaupong opisyal na maka-focus sa kanyang tungkulin ng hindi naiistorbo ng umanoy walang basehang quo warranto petition.

Read more...