Sanggol, patay sa sunog sa Pasay

By Len Montaño February 14, 2019 - 12:31 AM

Screenshot ng video ni Kevin Reyes

Nasawi ang isang sanggol na lalaki sa sunog sa residential area sa Pasay City.

Kinilala ang namatay na si Alex Cabil, 4 buwang gulang.

Sumiklab ang sunog sa Saint Francis Street, Barangay 178 sa Maricaban.

Ayon kay ground commander Fire Supt. Paul Pili, nagsimula ang sunog alas 5:27 Miyerkules ng gabi.

Idineklara itong under control alas 9:07 ng gabi at fire out alas 9:12 ng gabi.

Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog, detalye ng pagkamatay ng sanggol at halaga ng pinsala.

Kamakailan lamang ay 7 magkakamag-anak ang nasawi matapos ma-trap sa sunog sa kanilang bahay sa Barangay 183 sa Maricaban pa rin.

TAGS: Alex Cabil, Maricaban, Pasay, sanggol, sunog, Alex Cabil, Maricaban, Pasay, sanggol, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.