P244M halaga ng shabu, narekober sa bahay ng big-time supplier sa Cavite

By Rhommel Balasbas February 14, 2019 - 12:13 AM

PDEA photo

Patuloy ang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para masabat ang 274 kilos ng shabu na tinatayang nasa P1.9 bilyon ang halaga sa Tanza, Cavite.

Alas-5:00 ng hapon ng Miyerkules sa pangunguna ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino sa bisa ng Search Warrant na inilabas ni Judge Agripino Morga, hinalughog ang inuupahang bahay ng isang big-time supplier na nakilalang si Alexander Wah Ting sa Dasmariñas, Cavite.

Dito tumambad ang 36 kilong shabu na nagkakahalaga ng P244.8 milyon.

Una rito, bandang alas-3:00 ng madaling araw, ay nagkasa ng buy-bust operation sa Talayan Village, Quezon City ang PDEA laban kina Wah Ting at Patrick Bankee.

Nakuha mula sa dalawang Chinese national ang higit dalawang kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P13.6 milyon at 15 maliliit na plastic sachet pa ng shabu, cellphones at 10 cash at ATM cards.

Si Wah Ting na isang big-time drug supplier ay ilang buwan nang binabantayan ng PDEA.

Lumalabas na ang suspek ang nasa likod ng mga sasakyang nagdedeliver ng bulto-bultong shabu kay Vincent Lim Du.

Si Vincent Lim Du ay isa sa dalawang Chinese National na napatay sa buy-bust operation sa Tanza. Cavite noong February 3, 2019.

TAGS: Alexander Wah Ting, buy bust, cavite, Dasmariñas, P244M halaga ng shabu, Patrick Bankee, PDEA, shabu, Alexander Wah Ting, buy bust, cavite, Dasmariñas, P244M halaga ng shabu, Patrick Bankee, PDEA, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.