Ecowaste: Kandidato dapat responsable sa campaign materials

By Len Montaño February 13, 2019 - 11:56 PM

Nagpaalala ang environmental group na Ecowaste Coalition sa mga kandidato na protektahan ang kalikasan at maging responsable sa kanilang mga campaign materials.

Ayon kay Ecowaste national coordinator Aileen Lucero, dapat gumamit ang kanidato ng recyclable materials.

Dapat anyang tama ang sukat ng campaign materials at ilagay ang mga ito sa tamang lugar at hindi sa puno.

Sa ilalim ng batas, obligado ang kandidato na tanggalin ang kanyang campaign materials limang araw matapos ang eleksyon.

Bukod sa pagsunod sa mga alituntunin ng Commission on Elections (Comelec), sinabi ng grupo na dapat ay responsable ang kandidato ukol sa solid waste.

Kung bawal anya ang plastic o styrofoam sa lugar ng kampanya ay dapat na iwasan ang paggamit ng mga ito.

Giit ni Lucero, ang kampanya ay hindi panahon para magkalat kundi para magsilbing modelo ang kandidato na nag-aalaga ng kalikasan.

TAGS: campaign materials, comelec, Ecowaste coalition, kalikasan, kapaligiran, puno, campaign materials, comelec, Ecowaste coalition, kalikasan, kapaligiran, puno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.