Ressa, itinuring na paglapastangan sa hustisya ang pag-aresto sa kanya

By Len Montaño February 13, 2019 - 10:25 PM

Itinuring ni Rappler CEO Maria Ressa na paglapastangan sa hustisya ang pag-aresto sa kanya kaugnay ng kasong cyber libel na inihain ng isang negosyante noong 2012.

Ayon kay Ressa, maghahain sila ng motion for reconsideration dahil wala anyang katotohanan ang kaso laban sa Rappler at sa kanya.

Dagdag ni Ressa, kwestyunable ang timing ng pag-aresto sa kanya.

Pero kung kailangan anyang magpalipas siya ng gabi sa National Bureau of Investigation (NBI) ay okay lang. Hindi umano ito makakapigil sa kanila.

Sa tingin ni Ressa, dahil gabi siya inaresto ay mahihirapan silang makakuha ng mga dokumento ukol sa kanyang kaso.

Nanindigan ang Rappler CEO na bilang mamamahayag ay ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho.

TAGS: cyber libel, Maria Ressa, rappler, Rappler CEO, cyber libel, Maria Ressa, rappler, Rappler CEO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.