5 pang bata, namatay sa tigdas sa San Lazaro Hospital sa magdamag

Limang bata pa ang namatay sa tigdas sa magdamag habang naka-confine sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Dahil dito ay umabot na sa 69 ang nasawi sa tigdas sa ospital hanggang ngayong Miyerkules.

Ayon kay San Lazaro Hospital spokesperson Dr. Ferdie De Guzman, ang mga bata ay namatay sa tigdas mula Martes ng gabi.

Una nang nagdeklara ng measles outbreak sa Metro Manila matapos na tumaas ng mahigit 500 percent ang bilang ng nagkasakit ng tigdas mula noong Enero kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Samantala, nagdonate ang Philippine Red Cross ng 50 kama sa naturang ospital gayundin ang 232 personal hygiene kits at 250 blankets.

Sinabi naman ng mga otoridad na ang measles outbreak ay hindi na inaasahang lalampas pa ng Hunyo.

Read more...