Duterte: Drug war, patuloy; Diyos, tawagan ninyo para makialam
“You can call God and intervene.”
Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng patuloy na kampanya ng kanyang gobyerno laban sa droga.
Sa kanyang talumpati kasabay ng pagpapasinaya ng drug and alcohol treatment facility sa Laur, Nueva Ecija araw ng Miyerkules, sinabi ng Pangulo na wala siyang pakialam sa mga batikos sa war on drugs maski mula sa human rights groups.
Giit ni Duterte, papatayin niya ang sisira sa kanyang bansa.
Pwede anyang makiusap sa langit at tawagan ang Diyos para makialam.
Pero kapag patuloy anya ang shabu, cocaine at ibang droga na sisira sa mga Pilipino ay papatayin niya ang nagbebenta nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.