Sa inilabas na pahayag, isinalarawan ni Pimentel ang kaso bilang “Damocles’ sword” sa kaniyang kandidatura.
Sa desisyon ng Comelec 5th Division, lumabas na walang sapat na merito ang disqualification case laban sa senador.
Nakasaad sa dokumento na malinaw na hindi nakumpleto ni Pimentel ang kaniyang unang termino mula 2007 hanggang 2013 dahil sa election protest.
Dahil dito, hindi maaaring i-apply ang two-term limit sa sitwasyon ng senador.
Dahil tapos na ang isyu, inaasahan ng senador na hahatulan ng publiko ang kaniyang kandidatura base sa kaniyang kwalipikasyon, achievements, mga plano at adbokasiya.