NUJP, kinondena ang pag-aresto kay Maria Ressa
Kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa.
Isinalarawan ng grupo ang pag-aresto bilang isang “shameless act of persecution by a bully government.”
Kinuwestyon ng grupo ang kasong cyber libel na ipinataw laban kay Ressa.
Ayon sa grupo, hindi pa ganap na batas ang ipinataw na kaso laban kay Ressa nang mangyari ang umano’y offense nito.
Inaresto ng mga tauhan ng National of Bureau of Investigation (NBI) si Ressa dahil sa reklamo ng negosyanteng si Wilfredo Keng.
Naglabas umano ng news article ang Rappler noong 2012 ukol sa pagpapahiram ng mamahaling SUVs ni Keng kay dating Chief Justice Renato Corona.
Matatandaang naging batas ang Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 noong September 12, 2012 ilang buwan matapos ang ilabas ang news article ng Rappler.
Giit pa ng grupo, malinaw na bahagi ito ng hakbang ng administrasyon para pahintuin ang operasyon ng Rappler.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.