Groundbreaking ng Mega Manila Subway, itinakda sa Feb. 26

By Angellic Jordan February 13, 2019 - 08:55 PM

Muling nagtakda ang Department of Transportation (DOTr)ang bagong petsa sa groundbreaking ng Mega Manila Subway.

Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na idaraos ang groundbreaking ng proyekto sa February 26.

Aniya, naantala ito dahil sa hindi pare-parehong iskedyul kasama ang mga Japanese official.

Sinabi ni Tugade na nakatakda nang lumipad ang DOTr officials patungong Japan para mapabilis ang konstruksyon ng rail system.

Inaasahang aabot ng 30 kilometro ang subway rail system

Magiging sakop nito ang 14 istasyon mula Mindanao Avenue ng Quezon City hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Parañaque City.

TAGS: department of transportation, Mega Manila Subway, department of transportation, Mega Manila Subway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.