DENR kay Tañada: Itigil ang pamumulitika sa Manila Bay rehab
Hinikayat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) si Otso Diresto candidate Erin Tañada na itigil ang pamumulitika sa rehabilitasyon sa Manila Bay.
Ayon kay DENR spokesperson at Undersecretary for Soil Waste Management Benny Antiporda, walang ibang hangarin ang proyekto kung hindi makapagbigay ng benepisyo sa publiko at kalikasan.
Sinabi kasi ni Tañada na dapat itigil ang aksyon ng gobyerno sa Manila Bay dahil lalo lang aniyng madaragdagan ang utang ng Pilipinas.
Giit naman ni Antiporda, hindi magandang pagpaplano ang naging ugat ng pagkalubog sa utang at kahirapan ng ibang bansa sa rehab projects.
Napatunayan naman aniya ang positibong resulta sa Boracay.
Dahil dito, pinayuhan ni Antiporda si Tañada na tumutok na lang sa kaniyang political agenda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.