Bus, SUV nagkabanggaan sa Talisay City

By Angellic Jordan February 13, 2019 - 08:49 PM

Nagkabanggaan ang isang sports utility vehicle at isang mini bus sa Cebu South Coastal Road (CSCR) sa Talisay City pasado 12:00 ng tanghali, araw ng Miyerkules.

Ang bus ay mula sa Dalaguete southern Cebu at binabagtas ang northbound lane nang bilang nag-counterflow ang isang Isuzu mu-X SUV mula sa southbound lane.

Wala namang napaulat na nasawi sa aksidente ngunit agad dinala ang drayber ng SUV sa ospital.

Nagdulot ang aksidente ng mabigat na trapiko sa southbound lane ng CSCR.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng pulisya ang tunay na naging sanhi ng aksidente.

TAGS: bangga, Isuzu mu-X SUV, mini bus, Talisay, bangga, Isuzu mu-X SUV, mini bus, Talisay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.