Mga magsasaka sa Central Visayas, pinaalalahan vs armyworm attack

By Angellic Jordan February 13, 2019 - 08:43 PM

Nagpaalala sa mga magsasaka ang Department of Agriculture (DA) sa Central Visayas hinggil sa armyworms sa kanilang mga pananim.

Inanunsiyo ni Wilberto Castillo, hepe ng Integrated Laboratory Division at crop protection specialist ng DA-7, ang pag-atake ng armyworms sa isang agricultural learning center sa Cantuod at Balamban.

Dahil dito, nasisira aniya ang mga pananim sa lugar.

Dumulog na ang mga opisyal ng farm school sa D-A regional office ukol sa armyworm attack.

Nakiusap ang eskwelahan sa DA-7 na i-assess at i-validate ang infestation at magrekomenda kung paano ito maiiwasan.

Kasunod nito, sinabi ni Castillo na maaaring gamitin ng mga magsasaka bilang maintenance ang Metarhizium anisopliae, Beauveria bassiana, Bacillus thuriengiensis at Nucleopolyhedrosis virus (NPV) para maiwasan ang anumang peste.

TAGS: armyworm, DA, magsasaka, palay, armyworm, DA, magsasaka, palay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.