Dengue outbreak idineklara sa isang bayan sa Biliran

By Angellic Jordan February 13, 2019 - 04:44 PM

Inquirer file photo

Nagdeklara na ng dengue outbreak si Kawayan, Biliran Mayor Rodolfo Espina Sr. dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng sakit sa lugar.

Mula kahapon, araw ng Martes, nasa walumpu’t isang kaso na ang naitala sa sampung barangay sa probinsya.

Sa isang panayam, sinabi ni Municipal Health Officer Dr. Christine Balasbas na pinakamarami sa Barangay Mapuyo na may apatnapu’t dalawang kaso ng dengue.

Sumunod sa nasabing bilang ang Barangay Tucdao na mayroong labing-dalawang kaso ng nasabing sakit.

Gayunman, sinabi ni Balasbas na marami nang gumaling sa walumpu’t isang kaso.

Sa ngayon, labing-limang pasyente pa ang nananatili sa Rural Health Unit.

Ipinag-utos na rin ng nasabing opisyal ang malawakang paglilinis sa kapaligiran para puksain ang mag lamok na nagdudulot ng dengue.

TAGS: Biliran, Dengue, department of health, Kawayan, Rural Health Unit, Biliran, Dengue, department of health, Kawayan, Rural Health Unit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.