500 pang manggagawa, nakinabang sa AlkanSSSya program ng SSS
Halos 500 manggagawa mula sa sampung informal sector groups (ISGs) na sakop ng Social Security System (SSS) Congressional Branch ang tumanggap ng AlkanSSSya units.
Tinanggap ng mga miyembro ang kanilang unit sa ginanap na 2nd Grand Launching ng AlkanSSSya units noong October 9, 2015 sa Quezon City Memorial Circle Basketball Court.
Ang ikalawang bahagi ng mass distribution ng mga AlkanSSSya units ay may temang “Kabuhayang Pinagsikapan, Sa AlkanSSSya, Seguridad Maaasahan”
Sakop ng SSS Congressional Branch ang Napocor Village Drivers and Vendors Association at apat na tricycle operators at drivers associations (TODA) kabilang ang Culiat, Eastroad 20, Tandang Sora at Government Service Insurance System (GSIS) Village.
Kasama rin ang limang local government units na may mga job order (JO) at contractual workers na hindi kabilang sa mandatory GSIS coverage, na binubuo ng Brgy. Ramon Magsaysay Employees Group, Brgy. Bahay Toro Employees Group, Community Mortgage Program Tandang Sora Association, Office of District 6 Employees Group, at Brgy. Tandang Sora Brgy Workers at JO Association.
Pinangunahan nina Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte at SSS President & Chief Executive Officer Emilio S. de Quiros, Jr. ang pamamahagi ng mga AlkanSSSya units.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.