Measles outbreak tatagal hanggang sa buwan ng Hunyo

Inquirer file photo

Posibleng umabot pa nang hanggang sa buwan ng Hunyo ang measles outbreak sa Metro Manila at ilang mga lugar.

Ayon kay Dr. Mario Panaligan, presidente ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases (PSMID), lumalabas sa mga record na tumataas ang bilang ng kaso ng tigdas sa pagtaas ng temperatura ng panahon.

Ito ay dahil marami aniyang tao ang nakakasalamuha sa kalsada.

Dahil dito, sinabi ni Panaligan na mas mainam ang pagtutulak ng pagpapabakuna sa publiko.

Sa huling tala ng Department of Health (DOH), umabot na sa pitumpu ang bilang ng taong nasawi dahil sa nasabing sakit.

Pinayuhan na rin ng Department of Health ang publiko na pabakunahan ang mga bata para hindi na madagdagan pa ang mga nagkakaroon ng tigdas.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte rin ang siyang mangunguna sa gagawing information campaign ng pamahalaan para sa tigdas.

Read more...