DOLE binalaan ang mga Filipino nurse laban sa online illegal recruitment sa Germany
Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga Filipino nurse hinggil sa sa online illegal recruitment activities sa Germany.
Sa pahayag ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) isang website na pinatatakbo umano ng mga illegal recruiter ang ginagamit ang Triple Win Project at nangangako ng trabaho para sa mga nurse.
Pinayuhan ni POEA Administrator Bernard P. Olalia ang mga Pinoy na para makasiguro, ay mabuting iwasan ang magsumite ng aplikasyon at personal information online.
Sa halip, mas mabuti aniyang personal na isumite ang aplikasyon at mga dokumetno sa Manpower Registry Division ng POEA.
Ang Triple Win Project ay joint initiative ng Pilipinas at Germany para matulungan ang mga kwalipikadong nurse sa Pilipinas na makagtrabaho sa Germany.
Sinabi ni Olalia na tanging ang POEA ang nangangasiwa sa nasabing proyekto at deployment process at walang outside agencies na otorisado na mag-recruit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.