Sa ipinalabas na memorandum mula sa tanggapan ni Naujan Mayor Mark Marcos hinikayat ang mga empleyado at opisyal ng munisipyo na sumunod sa dress code at magsuot ng kulay ng damit na depende sa kanilang status.
Kabilang sa dress code ang mga sumusunod na kulay na may katumbas na status:
– Red kapag Taken o in-love
– Black kapag borken-heated
– White kapag ‘Like a Virgin’
– Pink kung ‘no strings attached’, ‘game’ at ‘strike everywhere’
– Purple kapag single pero contented
– Green kung hirap pang maka-move on
– Brown kung nasa secret intimacy
– Gray kung ‘tuliro’
– Yellow kung ‘waiting since birth’
– Orange kung ‘taken for granted’
Ay kapag nagsuot ng Office Uniform ang isang empleyado o opisyal, siya ay kill joy.