WATCH: Anggulong may kinalaman sa ilegal na droga, iniimbestigahan sa pagpatay sa barangay captain sa Tondo

By Dona Dominguez-Cargullo February 13, 2019 - 10:52 AM

FB Photo

Tinignan ng mga otoridad ang posibilidad na may kinalaman sa ilegal na droga ang pagpaslang sa kapitan ng barangay sa Tondo, Maynila.

Si Marcelino Ortega, chairman ng Barangay 199, Zone 18 ay pinagbabaril ng dalawang hindi nakilalang riding in tandem sa kanto ng Hermosa at Pilar streets kahapon, araw ng Martes.

Isinugod pa sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni National Capital Region Police Office chief Director Guillermo Eleazar tinitignan ang anggulo na sangkot sa ilegal na droga ang biktima.

Ito na ang ikalawang insidente ng pananambang sa kapitan ng barangay sa Metro Manila ngayong election period.

Sa kabila ng insidente sinabi ni Eleazar na wala pa ring anumang lugar sa Metro Manila na kabilang sa itinuturing na election hotspots.

Mayroon aniyang limang lugar na binabantayan sa NCR pero ang mga ito ay itinuturing na areas of concern lamang.

TAGS: ambush, areas of concern, barangay captain, Marcelino Ortega, Metro Manila, NCRPO, Tondo Manila, ambush, areas of concern, barangay captain, Marcelino Ortega, Metro Manila, NCRPO, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.