CAFGU member sugatan sa pagsabog sa Maguindanao

By Dona Dominguez-Cargullo February 13, 2019 - 10:33 AM

Sugatan ang isang CAFGU member matapos sumabog ang isang anti-personnel mine sa Guindulungan, Maguindanao.

Nagsasagawa ng morning patrol ang militiaman nang maapakan nito ang bomba na inilagay malapit sa isang kubo 50 metro ang layo sa national highway sa Sitio Pansol, Barangay Macasampen.

Ayon kay 6th Infantry Division Commander Major General Cirilito Sobejana ng Philippine Army, sinadyang itanim ang bomba upang targetin ang tropa ng pamahalaan na regular na nagsasagawa ng security check sa lugar.

Agad namang nadala sa Camp Siongco Station Hospital ang nasugatang CAFGU member.

Nagtalaga na rin ng karagdagang tauhan mula sa 90th Infantry Battalion at Guindulungan Municipal Police sa lugar na pinangyarihan ng pag-atake.

TAGS: anti-personnel mine, Guindulungan, maguindanao, Radyo Inquirer, anti-personnel mine, Guindulungan, maguindanao, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.