80 preso nakatakas sa kasagsagan ng mga protesta sa Haiti

AP Photo

Aabot sa halos 80 bilanggo ang nakatakas sa isang bilangguan sa Haiti kasabay ng mga protesta laban sa presidente na si Jovenel Moise.

Naganap ang pagtakas sa kasagsagan ng anti-Moise protest rallies sa harap ng isang police station.

Habang abala ang mga otoridad sa pagbabantay sa isinasagawang protesta ay sinabayan ito ng pagtakas ng mga preso sa bayan ng Aquin.

Inihihirit ng mga demostrador na magbiwit si Moise sa pwesto matapos masangkot sa maanomalyang paggasta ng pondo.

Tinatayang $2 bilyon ang sinasabing ginasta ng hindi tama ng administrasyon.

Patuloy naman ang paghahanap ng mga pulis sa mga nakatakas na bilanggo.

Read more...