WATCH: Mga kandidato may hanggang sa Biyernes na lang para baklasin ang mga bawal na campaign posters – Comelec

By Dona Dominguez-Cargullo February 13, 2019 - 09:49 AM

May hanggang sa Biyernes na lamang ang mga kandidato para baklasin ang kanilang mga election propaganda na nasa bawal na lugat at hindi tama ang mga sukat.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na sa Biyernes ay matatapos na ang grace period na ibinigay sa mga kandidato.

At kung mabibigo pa rin silang alisin ang mga bawal na campaign posters ay idodokumento na ito ng Comelec na susundan na ng leagal process.

Malaking tulong din ayon kay Jimenez ang feedback ng publiko.

Ayon kay Jimenez, marami ang nagrereport sa kanila ng mga campaign poster na nakakabit sa hindi tamang mga lugar.

Ang nasabing sumbong aniya ay nilalakipan din ng publiko ng mga detalye gaya ng lugar kung nasaan ang poster at petsa kung kailan ito kinunan.

TAGS: campaign period, comelec, election period, illegal campaign materials, midterm elections, campaign period, comelec, election period, illegal campaign materials, midterm elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.