Sunshine Cruz pinagsabihan ang IG user na nagpadala ng malalaswang mensahe sa kaniya

By Rose Cabrales February 13, 2019 - 09:29 AM

Pinagsabihan ni Sunshine Cruz ang isang Instagram user dahil sa pagpapadala umano sa kaniya ng malalaswang mensahe.

Pero depensa naman ng IG user, na-hack umano ang kaniyang account.

Sa kaniyang IG account, ipinost ni Sunshine ang screengrab ng umano’y mensahe at larawan ng pinagsabihan niyang IG user. Nag-message kasi sa kaniya ang IG user at sinabing pinapatansya nito ang anak ni Sunshine.

Nakilala ang IG user na may username na, @cheflorence_butcherchef.

Napag-alaman rin na isa siyang line cook sa cafe ng isang hotel sa Pasay City.

Depensa naman ng chef na-hack ang kanyang account sinubukan niya umanong i-delete ang account at hindi sya bastos.

Sumagot naman ang cafe kung saan nagtatrabaho ang chef na hindi nila kinukunsinti ang mga panget na pag-uugali at sinabing iniimbestigahan na nila ang insidente.

Nakikipag-ugnayan na rin umano sila sa tamang ahensya ng gobyerno para malaman ang ugat ng isyu.

TAGS: Instagram, Radyo Inquirer, Sunshine Cruz, Instagram, Radyo Inquirer, Sunshine Cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.