Ayon kay Senate Armed Services Committee, Admiral Philip Davidson, pinuno ng Indo-Pacific Command ng Amerika, sa kaniyang tingin, imposibleng isuko lahat ng NoKor ang kanilang nuclear weapons at production capabilities.
Inihayag ito ni Davidson bago ang nakatakdang summit nina US Pres. Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un ngayong buwan.
Noong nakaraang buwan, sinabi din ni US Director of National Intelligence Dan Coats sa Kongreso na hindi isusuko ng NoKor ang lahat ng kanilang gamit na pangdigma.
Katunayan ay may nagpapatuloy umanong aktibidad ang NoKor taliwas sa kanilang pangakong denuclearization.
MOST READ
LATEST STORIES