Commander ng US military dudang isusuko ng NoKor ang lahat ng kanilang nuclear weapons
Duda ang isang US military commander na kayang isuko ng North kKrea ang lahat ng kanilang nuclear weapons.
Ayon kay Senate Armed Services Committee, Admiral Philip Davidson, pinuno ng Indo-Pacific Command ng Amerika, sa kaniyang tingin, imposibleng isuko lahat ng NoKor ang kanilang nuclear weapons at production capabilities.
Inihayag ito ni Davidson bago ang nakatakdang summit nina US Pres. Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un ngayong buwan.
Noong nakaraang buwan, sinabi din ni US Director of National Intelligence Dan Coats sa Kongreso na hindi isusuko ng NoKor ang lahat ng kanilang gamit na pangdigma.
Katunayan ay may nagpapatuloy umanong aktibidad ang NoKor taliwas sa kanilang pangakong denuclearization.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.