LeBron James nananatiling highest-paid player sa NBA ayon sa Forbes list
Nananatiling hawak ni LeBron James ang pwesto bilang highest-paid player sa NBA.
Ito na ang ikalimang sunod na taon na si James ng Los Angeles Lakers ang itinanghal na highest-paid player ng Forbes matapos na makapagtala ng $88.7 million na kita.
Ayon sa 2018 Forbes list, sa nasabing earnings ni James, kabilang ang $53 million na off court earnings.
Kabilang sa kaniyang off court earnings ang kita niya sa endorsement deals mula sa mga kumanyang Nike, Coca-Cola at Beats By Dre.
Mayroon ding Hollywood production company si James na SpringHill Entertainment ay mayroon siyang investment sa isang Pizza company.
Pumangalawa naman kay James si Stephen Curry ng Golden State Warriors na may earnings na $79.5 million at sumusunod ang teammate niyang si Kevin Durant na may earnings na $65 million.
Nasa ikaapat na pwesto si Russel Westbrook ng Oklahoma City Thunder na may kitang $53.7 million, at panglima si James Harden ng Houston Rockets na may kita na $47.4 million.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.