LOOK: Presyo ng bulaklak sa Dangwa Maynila ngayong bisperas ng Valentine’s Day

By Dona Dominguez-Cargullo February 13, 2019 - 06:43 AM

Radyo Inquirer Photo | Isa Umali

Bisperas ng Valentine’s Day mataas na ang presyo ng bulaklak sa Dangwa sa Maynila.

Ang local na roses P700 ang isang dosena habang kung imported naman ay P350 ang bawat piraso.

Radyo Inquirer Photo | Isa Umali

Ang Bangkok Roses ay P550 ang kada 10 piraso o di kaya ay 50 bawat piraso.

Ang Ecuadorian Rose naman ay P180 ang bawat piraso at ang Frozen Rose P ay 350 ang bawato isa.

P400 naman ang bawat isang ng Cabbage Rose at P180 ang kada 10 piraso ng Daisy.

Radyo Inquirer Photo | Isa Umali

P180 ang isang bouquet ng Carnation habang ang iba pang uri ng bulaklak, maglalaro sa P1,000 hanggang 5,000 ang bouquet depende sa klase ng bulaklak at dami ng bulaklak.

Kung ayaw namang magbigay ng bulaklak, maari ding makabili ng bouquet ng chocolates at stuffed toys sa Dangwa.

Ang Ferrero boquet ay P2,500 ang halaga na mayroong 24 na piraso ng tsokolate.

Kung ang Ferrero bouquet naman ay may kasamang bulaklak ay P3,000 ang presyo.

Ang stuffed toys bouquet naman ay nasa P600 hanggang P1,000 ang halaga depende sa nais na disenyo gaya ng Teddy Bear, Mickey Mouse, Hello Kitty, Stitch or Picachu.

Inaasahang gagalaw pa ang presyo ng mga bulaklak ngayong maghapon hanggang bukas ng umaga.

TAGS: Dangwa, flowers, manila, valentine's day, Dangwa, flowers, manila, valentine's day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.