4 na babae kabilang ang 1 menor de edad nasagip mula sa isang bugaw sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo February 13, 2019 - 06:28 AM

Nasagip ng mga otoridad ang apat na babae na ibubugaw dapat sa Makati City.

Sa isinagawang operasyon, nadakip ang suspek na magbebenta sana sa mga biktima sa halagang P2,000 hanggang P4,000.

Ayon kay Sr. Supt. Gemma Cruz Vinluan ng PNP-Women and Children Protection Desk, dinala ang mga babae sa isang restaurant at doon sila pagpipilian ng mga customer.

Kasama sa nadakip ay isang menor de edad at kwento niya, niyaya lang siya ng suspek para kumain sa labas.

Ayon naman sa isa pang biktima, hindi umano niya alam na ibubugaw na pala sila ng suspek.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

TAGS: Anti-Trafficking in Persons Act, makati city, Radyo Inquirer, Anti-Trafficking in Persons Act, makati city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.