Chinese sa taho incident, na-misinterpret lang – foster parent

By Len Montaño February 13, 2019 - 04:44 AM

NCRPO photo

Nagpaliwanag ang foster parent ng Chinese national na si Zhang Jiale at dumipensa sa pagtatapon nito ng taho sa isang pulis.

Ayon sa foster parent ni Zhang na si Oscar Bautista Saplato ng Calasiao, Pangasinan, bago ang insidente sa MRT ay isang linggo ng may sakit ang dayuhan.

Hindi anya ito nakakapasok sa klase kaya tensyonado sa mga na-miss na gawain sa eskwelahan.

Katwiran ng foster parent, lumabas lamang si Zhang para bumili ng gamit sa eskwelahan at hindi nito alam na bawal magpasok ng pagkain sa MRT.

Hindi anya nakakaintindi si Zhang ng Tagalog na salita at posible umanong hindi lamang sila nagka-intindihan ni PO1 William Cristobal.

Nang datnan umano ni Saplato si Zhang sa kulungan sa Mandaluyong Police ay iyak ito ng iyak.

Giit ng foster parent, walang bisyo at laging nasa bahay lamang si Zhang sa 5 taong pananatili nito sa bansa bilang estudyante.

TAGS: chinese national, foster parent, jiale zhang, mis-interpret, taho, chinese national, foster parent, jiale zhang, mis-interpret, taho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.