Mga Pinoy sa Haiti, pinayuhang manatili sa bahay dahil sa mga rally
Pinayuhan ng Philippine Embassy sa Estados Unidos ang mga Pilipino na protektahan ang kanilang mga sarili laban sa peligro ng mga protesta laban sa gobyerno sa Haiti.
Ayon kay Philippine Ambassador Jose Manuel G. Romualdez, mabuting manatili sa kanilang mga bahay ang mga Pinoy sa Haiti.
Sakaling lalabas anya ng bahay ay dapat na iwasan ng mga Pilipino ang mga rally at pagtitipon.
Minomonitor ng embahada ang mga demonstrasyon na nagsimula noong nakaraang linggo at nagresulta sa pagtigil ng mga operasyon sa Port-au-Prince at ibang syudad.
Sinabi naman ni Fitzegerals Brandt, Philippine Honorary Consul General, ligtas ang mga Pinoy at ngayon ay malayo sa mga apektadong lugar.
Tinatayang nasa 500 ang mga Pinoy sa Haiti.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.