Drug suspect, patay sa engkwentro sa pulisya sa Bulacan

By Rhommel Balasbas February 13, 2019 - 04:01 AM

Nasawi ang isang lalaking tulak umano ng droga matapos mauwi sa engkwentro ang buy bust operation sa Meycauayan, Bulacan, Miyerkules ng madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si Jimmy Carating alyas Jumong na kabilang sa drug watchlist ng Meycauayan Police.

Nagsagawa ng operasyon ang mga pulis laban sa suspek sa Brgy. Malhacan at positibong nakabili ang poseur buyer ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu mula rito.

Nang mapansing papalapit ang mga operatiba sa kanya ay inilabas ni Jumong ang kanyang improvised hand gun at pinaputukan ang pulis.

Dito na gumanti ng putok ang pulis na nagresulta sa kanyang agarang pagkasawi.

Nakuha mula sa suspek ang kanyang baril at ang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

TAGS: Bulacan, buy bust, drug suspect, enkwentro, Bulacan, buy bust, drug suspect, enkwentro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.