Chinese na nagtapon ng taho sa pulis, dinampot ng Bureau of Immigration
Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang Chinese national na si Zhang Jiale na una nang nakulong dahil sa pagtapon ng taho sa pulis sa MRT Boni Station.
Mula sa Mandaluyong Police Station ay balik-kulungan ang 23 anyos na dayuhan matapos na damputin ng BI.
Ayon sa abogado ni Zhang na si Atty. Sandra Respall, alas 8:00 Martes ng gabi nang umano’y sapilitang hulihin ang kanyang kliyente.
May ipinakitang BI mission order kung saan nakasaad ang pag-aresto kay Zhang kung mapatunayan na iligal itong nasa bansa.
Pinilit umanong isinama ng Immigration personnel ang Chinese national kahit nagpakita ang kampo nito ng kanyang valid passport at residence visa.
Sinabi ng abogado na hindi sila binigyan ng kopya ng mission order at hindi siya pinasama kay Zhang sa kulungan.
Kalaunan ay nalaman ng abogado na nakakulong na si Zhang sa BI detention cell.
Una rito ay pinayagan ng korte si Zhang na magpiyansa ng P12,000.
Inirekomenda naman na ng BI ang deportation case laban sa dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.