Joey de Leon, inalala ang trabaho sa ABS-CBN
“Dos were the days.”
Iyan ang witty na caption ng comedian-host na si Joey de Leon sa kanyang pinakahuling post sa Instagram araw ng Martes.
Ibinahagi ni de Leon ang larawan na kinunan noong 1968 kung saan kanyang suot-suot ang isang sombrero na may logo ng ABS-CBN.
Noong 1968 ay nagsimulang magtrabaho sa ABS-CBN si De Leon bilang isang radio deejay.
Mula sa pagiging radio deejay ay pinasok na kalaunan ni de Leon ang acting, hosting at writing.
Taong 1979 nang buoin niya kasama sina Tito at Vic Sotto ang variety show na Eat Bulaga na napapanood pa rin ng mga Filipino hanggang ngayon.
Nakuha ng IG post ni de Leon ang atensyon ng mga netizens kung saan sa ngayon ay mayroon na itong higit 10,600 likes at halos 200 comments.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.