Lalaki patay matapos masagasaan ng police mobile sa Isabela

By Rhommel Balasbas February 13, 2019 - 02:47 AM

Nasawi ang isang lalaki matapos masagasaan ng police mobile sa Ilagan City, Isabela araw ng Martes.

Ayon kay Isabela police spokesperson Sr. Insp. Frances Littaua, kinilala ang biktima na si Mark Anthony Meneses, 25 anyos.

Sa kanilang isinagawang imbestigasyon, lumalabas na humiga sa bahagi ng National Highway sa Barangay Baligatan si Meneses nang dumaan ang police mobile ni PO1 Maynard Marayag.

Mabilis ang takbo ng mobile na nakatakda sanang rumesponde sa isang gulo sa Barangay Alibagu at hindi na napansin na nakahiga pala si Meneses sa kalsada.

Ayon kay Littaua, bago pa man masagasaan, bugbog sarado na ang biktima at lasing ito.

Itinakbo pa sa ospital si Meneses pero idineklara ring dead on arrival dahil sa mga tinamong sugat.

Sumuko naman si Marayag at hinahanap na rin ng mga pulis ang nambugbog kay Meneses bago maganap ang insidente.

TAGS: isabela, nakahiga, nasagasaan, police mobile, isabela, nakahiga, nasagasaan, police mobile

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.