Drug lord “El Chapo,” convicted sa smuggling

AP photo

Nahatulang guilty ang pinaka-notoryus na drug lord ng Mexico na si Joaquin “El Chapo” Guzman sa kasong industrial-scale smuggling operation makalipas ang 3 buwang paglilitis.

Nahaharap si Guzman sa ilan pang drug-trafficking at conspiracy convictions na pwede magresulta sa pagkakulong nito ng ilang dekada sa maximum security US prison.

Nagdesisyon ang mga New York jurors matapos ang 6 na araw na deliberasyon.

Ito ay matapos na talakayin ang mga ebidensya na nakalap mula noong 1980s kung kailan kumita ng bilyon ang Sinaloa drug cartel ni Guzman mula sa pagpupuslit ng tone-toneladang cocaine, heroin, shabu at marijuanan sa Amerika.

Matatandaan na dati nang tumakas si “El Chapo” sa kulungan sa pamamagitan ng pagtatago sa labahan noong 2001.

Noong 2004 ay muling tumakas si Guzman gamit ang tunnel.

Kahit muling naaresto noong 2016 bago ang extradition nito sa Estados Unidos, nagplano si Guzman na muling tumakas.

Read more...