Pagpapasara ng Boracay, legal ayon sa Korte Suprema

By Isa Avendaño-Umali February 13, 2019 - 01:56 AM

Kuha ni Isa Umali

Pinagtibay ng Supreme Court En Banc ang Presidential proclamation na nag-uutos sa pagsasara at rehabilitasyon ng isla ng Boracay.

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong inihain ng mga residente at manggagawa sa Boracay sa pamamagitan ng National Union of People’s Lawyers (NUPL).

Sa deliberasyon, 11-2 ang resulta ng botohan pabor sa pagpapasara sa Boracay.

Batay sa desisyon ng Korte Suprema, sakop ng “police power” ng estado ang Boracay closure and rehabilitation.

Ibig sabihin, constitutional ang naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang ipasara ang sikat na isla noong nakalipas na taon.

Anim na buwang isinara sa mga dayuhan at lokal na turista ang Boracay sa Malay, Aklan noong nakaraang taon para bigyang-daan ang rehabilitasyon sa isla.

Si Associate Justice Mariano Del Castillo ang ponente sa kaso.

TAGS: boracay, boracay rehabilitation, korte suprema, legal, NUPL, pagsasara, police power, Supreme, Supreme Court en banc, boracay, boracay rehabilitation, korte suprema, legal, NUPL, pagsasara, police power, Supreme, Supreme Court en banc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.